Gising Lawian: The Tagalog Experiment  

Posted in

Sa mumunting kaisipan ni Lawian ay malayang nakapaglalaro ang mga demonyo. Ang mga talipandas na humaharot sa kamangmangan ng ating salinglahi ay siya ring mga sumasalasa sa kanyang kamusmusan. Ang hari ng mga demonyo ay nagwika, "Huwag ninyong salingin ang isang ito. Siya ay atin at tayo ay sa Kanya."

Mistulang naging mangmang ang mga hudas na gumagambala sa gabi, at tumigil sila sa pagdudukal. Sa kabila ng kanilang pag-aalinlangan ay kawing-kawing silang tumungo sa tulay-lagusan. Habang patuloy ang paglalakbay ni Lawian sa kanyang daigdig na kathang-isip lamang ay napansin niyang nakangisi sa kanya ang haring bulaan, nagbubunyi sa kanyag kadakilaan. Nagbabadya ng panganib ang mga tanikalang nakabalumbon sa gilid nito. Isa-isang nagliyab ang mga demonyo. Nilalamon sila ng bangin.

"Simula na ng katapusan!" bulalas ng mapagpalang Payaso. Niyapos ni Lawian ang kamay ng Payaso habang palalim na itinatarak ang kris sa dibdib nito. Saglit na nagsayaw ang Payaso, nag-alumpihit, at pagkatapos ay nilubayan na siya ng kamalayan. Bumaba na siya ng entablado. Naibsan na ang alimpuyo ng karahasan. Nagsisimula na nga ang wakas.

Iminulat ni Lawian ang kanyang mga mata, at ang mga kerubing nagmamasid mula sa mga alapaap ay naging abo. Sa kabila nang kanyang pagtitika para sa nasawing Payaso ay namumutawi pa rin sa kanyang mga duguang labi ang isang makislap na bahaghari.

0 comments

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails
CheckOutMyInk.com Banner #2

The Author

Pedestrians

Feed The Writer

Formspring Me

Tweet Me

NetworkedBlogs

Followers

Manila

Recent Comments

Stop Plagiarism

Creative Commons License
Stories from the Simian Crease by Binchee is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at binchee.blogspot.com